Weather Update

Manila, Philippines – Maliit ang tyansa na maging bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huling nakita ang sama ng panahon – 600 kilometers hilagang silangang ng Basco, Batanes.

Dahil sa weather disturbance – asahan ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan ang rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera at maging sa Central Luzon.


Makakaranas naman ng isolated thunderstorm ang Tagaytay, Lipa, Legazpi, Iloilo at Davao.

Sa Metro Manila – magiging maganda ang panahon sa buong maghapon maliban nalang sa isolated rain shower sa hapon o gabi.

Samantala – wala namang nakataas na gale warning sa anumang panig ng bansa.

Sunrise – 5:20 am
Sunset – 6:18 pm
DZXL558

Facebook Comments