Weather Update!

Manila, Philippines – May binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ang LPA sa layong 670 kilometers hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Posibleng lumakas ito at maging isang ganap na bagyo sa susunod na isa hanggang dalawang araw.


Sa ngayon, habagat ang nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng bansa.

Magkakaron ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Zambales, Bataan, Batangas, Mindoro at Palawan kasama amg Metro Manila.

Malaki ang tyansa ng ulan sa silangang bahagi ng visayas habang may isolated thunderstorms sa Mindanao.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 24 hanggang 31 degrees celsius.

*Sunrise: 5:43 ng umaga*
*Sunset: 6:13 ng gabi*

Facebook Comments