Manila, Philippines – Bahagyang humina ang tropical storm Jolina na nasa bisinidad na ng Aguinaldo, Ifugao.
May taglay pa rin itong lakas na hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 120 kph.
Kumikilos ang bagyo pakanluran, hilagang kanluran sa bilis 20 kilometers per hour.
Nananatili pa rin ang lawak o diameter nito na may 300 kilometers.
Nakataas ang storm warning *signal number 2* sa sumusunod:
Abra, Benguet, Ifugao, Ilocos norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La union, Mountain province, Nueva Ecija, Quirino
*Signal number 1* naman: Aurora, Apayao, Cagayan (kasama ang Babuyan Group of Islands) Nueva Ecija, Pangasinan.
Apektado naman ng habagat Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro at Palawan.
Maulap na may paminsan-minsang pag-ulan naman ang asahan sa Metro Manila.
Sa loob ng 24 oras ay inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.