Manila, Philippines – May namuong Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huli itong nakita sa higit 1,000 kilometro silangan – hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Bagamat, mababa naman ang tyansa nito na maging bagyo, inaasahang tutumbukin nito ang Northern Luzon ngayong araw o bukas.
Asahan ang malalakas na pag-ulan sa Luzon lalo na sa Benguet, Ilocos Sur, La Union, Nueva Ecija, Nueva Viscaya, La Union, Quirino at Bulacan.
Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang magpapaulan sa halos buong Visayas at Mindanao.
Sa Metro Manila, may isolated thunderstorms pagsapit ng hapon o gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.
*Sunrise: 5:44 ng umaga*
*Sunset: 6:10 ng gabi*
Facebook Comments