Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa dulong hilagang Luzon.
Huli itong nakita sa layong 95 kilometers hilaga – hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Mataas ang posibidad na magiging bagyo ito at tatawagin itong ‘Kiko’.
Lubos na naapektuhan ng LPA ang Ilocos region gayundin sa bahagi ng Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sa Metro Manila kasama ang Central Luzon, Cagayan Valley, Cordillera at MIMAROPA ay magiging maulan din dulot naman ng habagat.
Maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao pero asahan ang isolated thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa metro manila mula 26 hanggang 29 degrees celsius.
Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:08 ng gabi
Facebook Comments