Manila, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa western section ng northern at central Luzon ang habagat na hinahatak ng bagyong mawar na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Dahil dito, asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pagulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Zambales at Babuyan Group of Islands.
May tyansa rin ng mga kalat – kalat na pagulan sa metro manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Magandang panahon namang ang iiral sa Visayas at Mindanao, maliban na lamang sa mga isolated thunderstorms.
Nakataas naman ang gail warning sa northern seaboard ng Luzon, kung saan pinapayuhan ang mga maliliit na sasakyang pandagat ng huwag nang pumalaot pa dahil sa malalaking alon.
Sunrise: 5:44 am
Sunset: 6:07 pm
Weather Update!
Facebook Comments