Weather Update!

Manila, Philippines – Napanatili ng Tropical Depression “Kiko” ang lakas nito habang patungo sa extreme Northern Luzon.

Huling nakita ang sentro nito sa layong 105 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at may pagbugsong 65 kph.


Kumikilos ito hilaga hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Inaasahan naman na lalabas na si “Kiko” ng Philippine Area of Responsibility Miyerkules ng gabi o madaling araw ng Huwebes.

Samantala, asahan na sa natitirang bahagi ng Northern Luzon lalo na sa Apayao, Abra at Ilocos province ang malakas na pag-ulan na may posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Mahina hanggang sa katam-taman pag-ulan rin ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Magiging maganda naman ang panahon sa kabisayaan maging sa Mindanao.

*Sunrise: 5:44 am*
*Sunset: 6:04 pm*

Facebook Comments