17 na mga bata, ni-rescue sa 3 brgy. sa QC sa ilalim ng pinapatupad na discipline hour

Quezon City – Isinama sa presinto ang 17 na mga bata, matapos madaanan ng mga tauhan ng QCPD station 7 na nakatambay sa lansangan kahit dis oras ng gabi.

Lima dito ay mga babe at 12 naman ang lalaki na pawang nasa edad 11 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay Psup Luiz Benjie Tremor Station 7 commander na nanguna sa operasyon, hindi nila basta -asta ibibigay sa mga magulang ang mga anak.


Aniya papangaralan pa muna nila ito dahil sa kabiguan na bantayan ang mga bata.

Delikado kasi at walang maidudulot na maganda ang pag istambay lalo na sa gabi.

Pananagutin ang mga magulang sa pamamagitan ng pag mumulta o kaya naman pagsabak sa community service.

Samantala kanina ilan sa mga bata ang nagsasabi na walang susundo sa kanila at kung totoo man , dadalhin sila ng mga pulis sa DSWD na syang experto sa pagdidisiplina at pagbibigay ng gabay sa mga bata.

Facebook Comments