Manila, Philippines – Patuloy na magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang tail end ng cold front sa Aurora, Quezon at sa buong Bicol Region.
Habang magkakaroon naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa ibang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Marinduque, Romblon at Mindoro.
Ang extension naman ng Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay magdadala rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga Region.
Pinag-iingat ng pagasa ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa pagbaha at pagguho ng lupa.
Magkakaroon naman ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan valley dahil sa northeast monsoon habang maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cordillera.