WEATHER UPDATE | Bagyong Agaton, nakalabas na ng bansa

Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Agaton.

Huling itong namataan sa layong 440 kilometers sa kanluran, hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong 80 kph.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kph.

Bagama’t nasa labas na ng PAR ang bagyo, asahan pa rin ang katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan sa Bicol Region, Rizal, Aurora at Quezon dahil sa umiiral na tail end of a cold front.

Delikado pa ring maglayag sa northern at southern seaboard ng Luzon, eastern seaboard ng Central Luzon, eastern at western seaboards ng Visayas at eastern seaboard ng Mindanao dahil naman sa hanging amihan.

Facebook Comments