NAWAWALA | Babae, tinangay ang 3-anyos na bata sa Las Piñas

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng pulisya ang isang babae na nakita sa CCTV na tumangay sa tatlong taong gulang na bata sa Las PiƱas City.

Sa ulat, apat na araw ng pinaghahanap ng ginang na si Daisy Lyn Bumatay ang anak na si Princess matapos lumabas ito at bumili sa isang tindahan malapit sa kanilang bahay sa Velasquez Compound sa Barangay Daniel Fajardo.

Nagulat na lang ang ginang nang hindi na makita ng kaniyang kapatid ang bunsong anak kayaā€™t nagpatulong na ito sa mga barangay opisyal at pulis.


Nakita naman sa CCTV ang isang babae na naglalakad bitbit ang anak ng ginang pero hindi ito kilala ng mga residente kung saan naggagawa na din ng manhunt operation para mabawi ang bata at maaresto ang suspek.

Facebook Comments