WEATHER UPDATE | Bagyong Caloy, pumasok na sa PAR

Manila, Philippines – Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na Jelawat.

Ito ay tatawagin na ngayon bilang ‘Bagyong Caloy’ na ikatlong bagyong pumasok sa bansa ngayong 2018.

Ayon sa PAGASA, nasa tropical storm category pa rin ang bagyo at may taglay na lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.


Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,005 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan at sa halip ay liliko paakyat.

Sa Huwebes o sa Biyernes pa lalabas ng bansa ang bagyo.

Facebook Comments