Naging tropical depression na ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyong ‘Domeng’ sa layong 690 kilometers silangang ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa direksyong hilaga – hilagang kanluran sa bilis na 14 kph.
Nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Mababa ang tiyansa nitong mag-landfall.
Pero asahan ang maghapong ulan sa Bicol region at Mimaropa habang may thunderstorms sa buong Luzon.
Buong Visayas naman ang uulalin kasama na ang Caraga at Northern Mindanao.
*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:23 ng gabi*
Facebook Comments