WEATHER UPDATE | Bagyong Henry, napanatili ang lakas; Ilang lugar sa bansa, isinailalim sa signal no. 1

Napanatili ng bagyong Henry ang kanyang lakas habang tinatahak ang extreme northern Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 500 kilometro, silangan ng Calayan, Cagayan.

Ito ay may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.


Kumikilos ito sa direksyong west southwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

Nakataas na ang tropical cyclone warning signal number 1:
– Batanes Provinces
– Babuyan Group of Islands
– hilagang bahagi ng Cagayan
– hilagang bahagi ng Apayao
– at hilagang bahagi ng Ilocos Norte

Apektado naman ng bagyo ang hanging habagat ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan at Western Visayas.

Kaya pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Makararanas naman ng isolated rain shower at thunderstorm ang Metro Manila, natitirang bahagi ng central Luzon, Calabarzon, Marinduque at Romblon.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, magiging maganda naman ang panahon maliban nalang sa localized thunderstorm.

Inaasahang sa Miyerkules ng umaga, lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Samantala, nag-anunsyo nang walang pasok sa mga sumusunod na lugar.

All levels, public and private:
Bacoor, Cavite
Kawit, Cavite
Mariveles, Bataan
Barangay Dampalit sa Malabon

Occidental mindoro
– Abra de Ilog
– Mamburao
– Sablayan

Facebook Comments