Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression ‘Josie’.
Huling namataan ang bagyo sa layong 375 kilometro, hilaga – hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.
Kumikilos pahilagang silangan ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Pinalalakas ng bagyong Josie ang hanging habagat na nagdadala ng monsoon rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.
Inaasahang lalabas ang bagyong Josie ngayong umaga.
Samantala, may binabantayang Low Pressure Area (LPA) na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa 1,295 kilometers silangan ng southern Luzon.
Inaasahang magiging tropical depression ang bagyo at tatawagin itong ‘Karding’panglimang bagyo ngayong buwan at ika-11 bagyo ngayong taon.