Itinaas ngayon ng PAGASA sa yellow rainfall warning ang buong Metro Manila, Bulacan, Rizal at Cavite.
Dahil dito, asahan na ang malakas na pagbuhos ng ulan na aabot ng 7.5 hanggang 15 mm kada oras.
Ito ay dahil pa rin sa epekto ng habagat na patuloy na pinalalakas ng bagyong Karding na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala, ang binabantayan namang isa pang bagyo sa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,040 kilometro kanluran ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng tropical depression ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometro bawat oras.
Facebook Comments