Nagbago ang tinatahak na direksyon ng tropical storm Karding.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,190 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometers per hour pa-hilagang silangan.
Pinalalakas pa rin nito ang hanging habagat na maghahatid ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Northern at Central Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng gabi.
Samantala, ilang lugar na ang nagsuspinde ng klase dahil sa masamang panahon.
Hagonoy, Bulacan (Pre-School – Senior High School)
Bolinao, Pangasinan (Pre-School – Elementary)
Facebook Comments