WEATHER UPDATE | Bagyong Maymay, napanatili ang lakas habang papalabas ng PAR

167

Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Maymay.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,345 kilometers silangan – hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 190 kilometers per hour at pagbugsong nasa 235 kph.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kph sa direksyong hilaga – hilagang kanluran.

Walang direktang epekto ang bagyo sa bansa at hindi rin nito pinalalakas ang hanging habagat.

Pero asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dulot ng localized thunderstorms.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:07 ng gabi

Facebook Comments