WEATHER UPDATE | Bagyong neneng, bahagyang lumakas

Manila, Philippines – Bahagyang lumakas ang Bagyong Neneng na nagpapaulan ngayon Batanes.

Huli itong namataan sa layong 150 kilometers North Northwest ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 65 KPH.


Patuloy itong kumikilos pa-West Northwest sa bilis na 10 KPH.

Dahil sa bagyo, makakaranas din ng pag-ulan na may kasamang pagkidlat-pagkulog ang Babuyan group of Islands, Ilocos Provinces, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Habang sa Metro Manila, maganda ang panahon maliban na lang sa mga biglaang buhos ng ulan dahil sa localized thunderstorm.

Samantala, patuloy din binabantayan ng PAGASA si typhoon mangkhut na huling namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa layong 2,255 kilometers silangan ng Southern Luzon.

May lakas ito ng hangin na 150 KPH at pagbugsong 185 KPH.

Sa Miyerkules, inaasahang papasok ng par si typhoon Mangkhut na kapag naging bagyo ay tatawing “Ompong”.

Facebook Comments