Dalawang bagyo ang binabantayan ng Pilipinas.
Patuloy na nagpapaulan sa dulong hilagang luzon ang tropical depression ‘Neneng’ na nasa 150 kilometers kanluran – hilagang kanluran ng Basco, Batanes.
Ayon kay DOST PAGASA Weather Specialist Chris Perez, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kph.
Kumikilos ito timog kanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong araw.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Batanes.
Ang buntot o trough ng bagyo ay magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Babuyan Group of Islands, Ilocos Provinces at Cordillera Region.
Samantala, ang typhoon Mangkhut ay papalapit nang papalapit sa PAR.
Namataan ito sa layong 2,160 kilometers silangan ng southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kph at pagbugsong nasa 195 kph.
Sinabi ni Perez, wala pang direktang epekto sa bansa.
Posibleng daanan ng bagyong Mangkhut ang Cagayan-Batanes area.
Inaasahan sa pagtama ng bagyong Mangkhut ang malalakas na buhos ng ulan at hampas ng hangin sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Batanes.
Inaasahang papasok ito sa PAR bukas.