WEATHER UPDATE | Bagyong Paeng – posibleng 3 hanggang 4 na araw pang manatili sa loob ng PAR

Manila, Philippines – Mabagal pa rin ang kilos ng bagyong Paeng habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataan sa layong 755 kilometers silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers per hour at pagbugsong 195 KPH.


At dahil mabagal ang kilos nito, posible itong magtagal sa loob ng PAR, tatlo hanggang apat na araw.

Wala pa rin itong direktang epekto sa bansa dahil habagat pa rin ang nagdadala ng pag-ulan sa central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Tawi-Tawi, Basilan at Sulu.

Magandang panahon pa rin ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa maliban sa isolated rainshower pagsapit ng hapon o gabi.

Sunset today: 5:50pm
Sunrise bukas: 5:45am

Facebook Comments