Humina pa ang bagyong “Queenie” habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 665 kilometers silangan hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ito ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong 170 kph.
Kumikilos ang bagyo pa north northwest sa bilis na 15 kph.
Magdadala pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan ang trough o extension ng bagyo sa Eastern at Central Visayas, Caraga at Northern Mindanao.
Sa Metro Manila naman, asahan pa rin ang mga isolated rainshower bunsod ng localized thunderstorm.
Posibleng lumabas ng PAR si bagyong Queenie mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
Facebook Comments