Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Rosita.
Alas-tres kaninang hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 325 kilometers kanluran ng Laoag, Ilocos Norte.
Nasa tropical storm category na lang ito taglay ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Bagama’t inalis na ng pagasa ang mga storm warning signal… makakaranas pa rin ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Batanes at Babuyan Group of Islands.
Magandang panahon naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero asahan ang mga panandaliang ulan sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorm.
Sunset today: 5:28pm
Sunrise bukas: 5:51am