Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Samuel.
Dahil dito, inaasahang makararanas na ng katamtamang hanggang malakas na pag-ulan sa Caraga Region, Davao Oriental at Compostella Valley.
Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 980 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
May lakas ito ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 65 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-west southwest sa bilis na 15 kph.
Sa ngayon, wala pang inilalabas ng storm warning signal ang PAGASA.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa araw ng Martes.
Facebook Comments