WEATHER UPDATE | Bagyong Tomas, napanatili ang lakas habang nasa Philippine Sea

Pumasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Tomas.

Huli itong namataan sa layong 1,400 kilometers silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Taglay ang lakas ng hanging nasa 145 kilometers per hour at pagbugsong nasa 180 kph.


Kumikilos ang bagyo pahilaga sa bilis na 15 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa.

Dagdag pa ni Dela Cruz – mababa rin ang posibilidad nito na tumama ng kalupaan.

Asahan ang magandang panahon sa buong Luzon maliban sa Cagayan Valley na may mga pag-ulan dala ng hanging amihan.

Maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao subalit magkakaroon pa rin ng mga isolated rainshowers at thunderstorms.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa PAR sa Miyerkules, November 28.

Facebook Comments