Namataan ang sentro ng bagyong Tomas, 1,400 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 145 kph at pagbugsong nasa 180 kph.
Kumikilos ang bagyo pahilaga sa bilis na 15 kph.
Ayon sa PAGASA, wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Samantala, makakaranas naman ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang Ilocos at Cordillera Administrative Region dahil sa northeast monsoon.
Habang maulap at maykalat-kalat na pag-ulan rin ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang nalalabing bahagi ng bansa, dala naman ng localized thunderstorms.
Facebook Comments