Manila, Philippines – Patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang Bicol Region at Quezon Province dahil sa umiiral na tail end of a cold front.
Kaya para sa mga mamamasyal sa Mt. Isarog National Park, makabubuting ipagpaliban muna dahil sa pagbaha at landslide.
Katunayan, kinansela na ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Naga at Camarines Sur dahil sa nararanasang pagbaha.
Kanselado rin ang ilang flights ng Cebgo na DG 6111at DG 6112 na biyaheng Manila-Naga-Manila.
Samantala, Northeast Monsoon o hanging amihan naman ang nakaaapekto sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurorailocos Region, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Southern Luzon at Calabarzon.
Maaliwas na panahon naman ang iiral sa Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas at MIMAROPA maliban na lang sa mga panandaliang thunderstorm.