Ganap na tropical depression ang binabantayang sama ng panahon sa silangan ng Luzon.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,570 kilometers silangan ng dulong hilagang Luzon.
Mataas ang tiyansa na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa ngayon, apektado ng hanging habagat ang Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.
Mayroon namang thunderstorms sa halos nalalabing bahagi ng bansa.
Sa Metro Manila, asahan ang pag-ulan sa hapon o gabi.
Facebook Comments