May posibilidad na maging bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 405 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng maramdaman ang epekto nito mamaya at tatama sa lupa sa silangan ng Mindanao bukas.
Kapag naging ganap na bagyo, tatawagin ito na “Samuel”.
Samantala, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol Region, Palawan, Eastern Visayas at Mindanao dahil sa extension ng LPA.
Habang maaliwalas pa rin ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, bumagsak sa 13 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City, kaninang umaga.
Ito ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod habang aabot lang sa 26 degrees celsius ang maitatalang pinakamataas na temperatura sa Baguio City ngayong araw.