Manila, Philippines – Magiging madalas na ang thunderstorms na mararanasan sa ilang bahagi ng bansa.
Senyales ito ng nalalapit na pagtatapos ng tag-tuyot o dry season.
May thunderstorms sa halos luzon habang magkakaroon ng mga mahihinang ulan sa Bicol region at sa Palawan.
May pag-ulan din sa Visayas lalo na sa Panay at Samar.
Sa Mindanao, may kalat-kalat na pag-ulan sa Sulu habang maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng rehiyon.
Bagamat mananatili at maalinsangan ang panahon, posibleng magkaroon ng thunderstorms sa dakong hapon hanggang gabi sa Metro Manila.
*Sunrise: 5:27 ng umaga*
*Sunset: 6:18 ng gabi*
Facebook Comments