Pagbangga ng Motorsiklo sa Isang Kariton, Isa Patay, 1 Sugatan!

*Ilagan City, Isabela- *Patay ang bente anyos na binata matapos sumalpok sa isang kariton sa pambansang lansangan ng brgy Lullutan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawi at driver ng motorsiklo na si Kennedy King Pableo, residente ng brgy Pillar City of Ilagan habang ang backrider nito na sugatan ay si Jaylord Balagat, 17 anyos, studyante at residente ng brgy Pillar ng naturang lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), patungong brgy Cabannungan 1st ang biktima lulan ang minamanehong motorsiklo nang bigla nitong natumbok ang sinusundang kariton na pagma-may ari ni Fredie Nuez.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na mabilis ang pagpapatakbo ni Pableo kaya’t nabangga nito ang sinusundang kariton.

Tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo na agad namang dinala sa pagamutan subalit dead on arrival na si Kennedy King Pableo.

Dinala na sa PNP Ilagan ang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments