WEATHER UPDATE | Easterlies, patuloy na nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa

45

Nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa ang easterlies na maghahatid ng mainit at maalinsangang panahon.

Habang northeast monsoon o hanging amihan naman ang nakakaapekto sa dulong hilagang Luzon.

Makakaranas ng maaliwalas na panahon ang buong Luzon, kabilang ang Metro Manila maliban sa mga pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Island.

Sa Visayas, mainit at maalinsangan subalit may mga pag-ulan sa Samar, Leyte, Cebu at Bohol.

Magandang panahon rin ang asahan sa nalalabing bahagi ng Mindanao maliban sa Caraga at Davao Region na may kalat – kalat na pagulan.

Samantala, nakataas naman ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Provinces, La Union at Pangasinan.

Facebook Comments