Mainit at maalinsangang panahon ang iiral sa bansa ngayong araw.
Nakakaapekto kasi ang easterlies o hanging galing sa karagatang pasipiko.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, lubos na maapektuhan ng easterlies ang silangang bahagi ng bansa.
Pero bukod sa mainit na panahon, maghahatid din ito ng thunderstorms.
Ang Luzon kasama na ang Metro Manila, maalinsangan pero may pag-ulan sa Isabela, Aurora, Quezon Province kasama ang Polillo Islands at sa Bicol Region.
Sa Visayas at Mindanao, maaliwalas at presko ang panahon subalit may pag-ulan na may kulog at kidlat sa dakong hapon o gabi.
Go signal pa rin sa mga mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat dahil walang nakataas na gale warning sa alinmang baybayin sa bansa.
Facebook Comments