WEATHER UPDATE | Easterlies, patuloy pa ring mararanasan sa buong bansa

Patuloy pa ring mararanasan ang epekto ng easterlies o hanging nagmumula sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa.

Bukod dito, nagsisimula na ring dumako sa extreme Northern Luzon ang northeast monsoon o hanging amihan.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan pa rin ang mga localized thunderstorm.


Magdadala ito ng maulap hanggang sa mas maulap na kalangitan at mga pulo-pulong pag-ulan sa halos buong maghapon.

Maliban dito ay wala namang nakikitang anumang sama ng panahon ang pagasa sa paligid ng Philippine Area Of Responsibility (PAR).

Agwat ng temperatura:

Metro Manila – 25-33 degrees celsius
Baguio – 14-23 degrees celsius
Metro Cebu – 25-32 degrees celsius
Davao – 25-33 degrees celsius

Facebook Comments