WEATHER UPDATE | Habagat, magpapaulan sa kanlurang bahagi ng bansa

Magdadala ng mga pag-ulan ang hanging habagat sa kanlurang bahagi ng halos buong bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas, ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Central Luzon at Mimaropa ay magkakaroon ng thunderstorms.

Magandang panahon naman ang asahan sa natitirang bahagi ng Luzon.


Maganda ang panahon sa silangang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao na may isolated thunderstorms.

Pero isang Low Pressure Area (LPA) naman ang binabantayan sa labas ng bansa.

Nasa 1,530 kilometers silangan ng Northern Luzon.

Kapag lumakas ang LPA at naging bagyo at pumasok sa bansa ay tatawagin itong bagyong Neneng.

Facebook Comments