WEATHER UPDATE | Halos buong bansa, maganda ang panahon – PAGASA

Patuloy na magiging maganda ang panahon sa bansa sa susunod na dalawa o tatlong araw kung saan walang namo-monitor na anumang bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, hanging amihan naman ang siyang nakakaapekto sa Northern Luzon pero hindi pa ito umaabot sa Metro Manila.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maalinsangan at mainit ang temperatura dulot ng easterlies.


Habang ang buong Metro Manila at ibang panig ng bansa ay bahagyang maulap at magiging maganda ang panahon subalit maaring magkaroon ng localized thunderstorm sa hapon o gabi.

Sunrise: 5:54 A.M
Sunset: 5:25 P.M

Facebook Comments