WEATHER UPDATE | Halos buong bansa, magiging maganda ang panahon ngayong araw

Mananatili ang maaliwalas na panahon sa buong bansa ngayong araw.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – halos walang kaulapan sa buong kapuluan.

Ang northeast monsoon o hanging amihan ay patuloy na nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon.


Sa Ilocos Region, Cordillera at natitirang bahagi ng Cagayan Valley ay mataas ang tiyansa na umulan.

Ang Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila at Bicol Region ay mainit at maalinsangan.

Sa Visayas at Mindanao, maganda ang panahon subalit maghanda sa isolated rainshowers at thunderstorms.

Facebook Comments