WEATHER UPDATE | Hanging amihan, dala na ang malamig na panahon sa Northern Luzon

Malamig na panahon ang mararamdaman sa hilagang Luzon.

Ito ay dahil umiiral pa rin ang northeast monsoon o hanging amihan.

Pero sa natitirang bahagi ng bansa, sinabi ni DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – mainit at maalinsangan pa rin dahil sa easterlies.


Dahil sa amihan, asahan ang ulan sa Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.

Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Mainit at maalinsangan sa buong Kabisayaan at Mindanao subalit may tiyansa ng isolated rainshowers.

Delikadong maglayag sa ating mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan at Ilocos Provinces.

Facebook Comments