HALALAN | PRRD, nagbabala sa mga kandidato sa susunod na eleksyon

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato ng 2019 Midterm elections na huwag takutin ang mga botante.

Ayon sa Pangulo – hayaan ang mga Pilipino na pumili kung sino ang gusto nilang ihalal.

Aniya, kapag tinakot at ginipit ng kandidato ang mga botante, siya na mismo ang aaresto rito.


Irespeto dapat ang ‘choice’ ng mga botante kahit ang ibinoto nito ay ‘asal-aso’.

Ipinag-utos ng Pangulo sa mga pulis at sundalo na huwag kakampi sa kaninumang pulitiko.

Facebook Comments