WEATHER UPDATE | Hanging amihan, dominant weather system na umiiral sa bansa

Malamig na panahon ang mararanasan sa hilaga at gitnang Luzon.

Ito ay dahil sa pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez, inaasahang lalakas pa ang amihan sa mga susunod na araw.


Pero sa ngayon, mainit subalit maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Maganda rin ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa isolated thunderstorms.

Facebook Comments