WEATHER UPDATE | Hanging amihan, iihip muli sa extreme northern Luzon

Dalawang weather system ang nakakaapekto ngayon sa bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – dominante pa rin ang easterlies na nakakaapekto sa silangang bahagi dala ang mainit at maalinsangang panahon.

Inaasahan namang babalik mamaya ang northeast monsoon o hanging amihan na umiihip sa dulong hilagang Luzon.


Maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa mahihinang ulan sa Samar at Leyte.

Kahit maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, magkakaroon pa rin ng localized thunderstorms.

Facebook Comments