KUMPISKADO | Higit P5-M halaga ng droga, nasabat sa Cebu

14

Cebu City – Mahigit P5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa sunod-sunod na buy-bust operation sa Cebu City.

Naaresto naman ang suspek na John Burgas at Bryan Antolihao matapos makuhanan ng 275 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.

Ayon sa Cebu City Police, runner ng shabu ang dalawang nadakip.

Nadakip naman sa follow-up operation si Johnny Boy Simbajon na nakuhaan ng 175 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na higit P2 milyon.

Patuloy namang tinutukoy ng mga awtoridad kung saan ang pinagmumulan ng ilegal na droga at kung sino ang mga kasabwat ng mga naarestong suspek.

Facebook Comments