WEATHER UPDATE | Hanging amihan, nakakaapekto na sa extreme northern Luzon

63

Magiging maganda ang panahon sa halos buong bansa ngayong ‘Gimik Friday’.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Gener Quitlong – walang nakikitang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Aniya, tanging easterlies lamang ang nakakaapekto sa bansa.

Nagpaparamdam na rin ang malamig na hanging amihan sa dulong hilagang Luzon.

Asahan din na sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay walang inaasahang bagyo o anumang sama ng panahon.

Facebook Comments