WEATHER UPDATE | Hanging amihan, patuloy na nakaka-apekto sa Northern at Central Luzon

Manila, Philippines – Patuloy na umiiral ang hanging amihan sa Northern at Central Luzon, kaya at magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, cagayan valley region at probinsya Aurora.

Apektado din ng hanging amihan ang buong Metro Manila kasama na ang Ilocos region at iba pang bahagi ng Central Luzon.

Nakakapekto naman ang tail-end of a cold front sa Eastern Section ng Southern Luzon at Eastern Visayas.


Kaya at makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol region, Eastern Visayas at probinsiya ng Quezon, Mindoro, Marinduque at Romblon.

Patuloy din binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) kung saan inaasahan iton maging bagyo at papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa darating na Lunes pero inaasahang hindi ito magla-landfall sa bansa.

Sunrise: 5:57am
Sunset: 6:07pm

Facebook Comments