WEATHER UPDATE | Hanging amihan, patuloy na nakakaapekto sa Luzon at Visayas

Patuloy na nakakaapekto ang northeast monsoon o hanging amihan sa Luzon at Visayas.

Magdadala ito ng maulap na papawirin sa Cagayan Valley, Cordillera, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora at Quezon.

Dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, magkakaroon ng maaliwalas na panahon maliban nalang sa isolated light rains.


Sa Mindanao, asahan ang isolated rainshower at thunderstorm dala ng trough ng isang Low Pressure Area (LPA).

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 31 degrees celsius at sa Baguio City naman mula 13 hanggang 24 degrees celsius.

Sunset later – 5:32 P.M
Sunrise tomorrow – 6:15 A.M

Facebook Comments