Hanging amihan pa rin ang nakaaapekto sa Luzon at Visayas.
Dahil dito, magiging maulap ang papawirin sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon Province, Bicol Region at Eastern Visayas.
Habang maaliwalas na panahon ang iiral sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon at Kabisayaan maliban na lang sa mga isolated rainshower.
Sa Mindanao, magiging maulap ang kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat dahil sa epekto ng Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 445 kilometers silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Facebook Comments