WEATHER UPDATE | Hanging amihan, sa weekend pa mararamdaman

49

Mananatiling mainit at maalinsangan ang panahon sa halos buong bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – umiiral pa rin kasi ang easterlies.

Dagdag pa ni Rojas, umatras ang hanging amihan at inaasahang mararamdaman ang epekto nito pagdating ng weekend.

Sa ngayon, magiging maaraw sa buong Luzon kasama na ang Metro Manila maliban sa Palawan na may isolated thunderstorms.

Maganda ang panahon sa buong Visayas pero may pag-ulan sa eastern at central section.

Sa Mindanao, maaliwalas habang may pulu-pulong pag-ulan sa Caraga Region.

Facebook Comments