Manila, Philippines – Patuloy na magpapaulan ang southwest monsoon o hanging habagat sa bansa.
Ito ay dahil patuloy itong hinihila at pinalalakas ng typhoon Domeng na bahagi na ng Japan.
Asahan ang maghapon ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon at MIMAROPA.
Pagdating ng hapon ay buong Luzon na ang makakaranas ng mga pag-ulan.
Sa Visayas, mayroon na lamang na mahihinang ulan sa bahagi ng panay at isla ng Negros.
Maaliwalas na ang panahon sa buong Mindanao pero asahan ang mga localized thunderstorms sa Northern Mindanao, ARMM at Soccsksargen.
Maulap at may posibilidad pa ring umulan sa metro manila.
*Sunrise: 5:25 ng umaga*
*Sunset: 6:23 ng gabi*
Facebook Comments