WEATHER UPDATE | Hanging habagat, patuloy na nakakaapekto sa buong bansa

Patuloy na magiging maulap na may mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong Metro Manila, Ilocos Region, CAR, Cagayan Valley Region, Western Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro at Palawan dahil sa hanging habagat.

Habang natitirang bahagi ng bansa ay magiging maalinsangan maliban lamang sa isolated rain showers o thunderstorm.

Binabantayan naman ang typhoon na may international name na Soulik na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kung saan namataan ito sa laoyng 1,870 km east of extreme northern Luzon.


Bagaman at nasa labas ng PAR, patuloy naman nitong pinalalakas ang habagat kaya at magiging maulan sa northern Luzon.

Sunrise: 5:42am
Sunset: 6:17pm

Facebook Comments