Manila, Philippines – Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa layong 1,465 kilometers silangan ng Mindanao.
Mababa ang tiyansa nito na maging ganap na bagyo.
Mainit na easterlies pa rin ang nakakaapekto sa bansa.
Maaliwalas ang panahon sa buong Luzon pero asahan ang mainit at maalinsangang temperatura.
Mainit din ang panahon sa buong Visayas na may isolated thunderstorms.
Buhat ng extension ng LPA, magkakaroon ng pag-ulan sa caraga at Davao region habang maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng Mindanao.
*Sunrise: 5:42 ng umaga*
*Sunset: 6:10 ng gabi*
Facebook Comments